Monday, December 30, 2013

You'll be in my heart by Phil Collins (Tarzan Soundtrack)


Played so many times... LSS lang ako dito. thanks kay JayR to this song. :)

Sunday, December 22, 2013

Thank you 2013! Hello 2014!

Mga tao na nagbigay lakas ng loob at yung iba nagbigay rin naman ng sama ng loob nitong 2013 good or bad thank you sanyo!

Malayo man siya sa Malabon, walang malayo pala talaga kung gusto mong maka tulong sa isang tao lalo na't kapatid mo ito. Thank you Tito Luis! :)

Hindi naman lahat kaya kong lapitan lalo na't gaya kong mahiyain, siya yung tinitext ko kapag masama ang loob ko sa mundo kung-baga sa kanya ko na tetext lahat. Thank you sayo sa pinsan ko si Dayvee :')

May pagkakataon talaga na di mo mapipigilan gaya ng pagkawala ng taong mahal natin sa buhay...
Mula pagka bata ko isa siya sa naging gabay ko sa buhay yan ang Lola ko. We will miss you forever Lola Azon. Thank you so much! :'(

Itong part na 'to para kay Meg, Satoru specially sa Mama ko...
Kahit ganto na, atleast hindi parin tayo na papatumba ng hina ng loob para lampasan ang 2013 magulo at pinagulo ng ibang tao ang buhay natin pero ano na pala nila? Na "Stress" lang sila. But thanks to them ngayon alam na namin kung sino ba talaga sila, hindi ko na imemention pangalan nila/niyo kasi baka sumikat pa kayo sa akin haha! Tsk!

Ang bilis ng panahon! Next month 2014 na! Bagong pag-asa sa buhay para sa lahat!

Sana sa susunod na taon maging masaya, malusog at lagi mag pray!

Thank you sa bad and for the good memories 2013! Til then...

Wednesday, December 11, 2013

RIP Lola Azon


Noong ako'y bata pa siya yong nag-alaga sa 'kin. Pama may sakit man o pag-hatid sa akin sa eskwela. Siya yong andyan habang walang ang mama ko. Ngayong alam ko na ang galaw sa mundo. Siya yong pinagtatanongan ko sa mga nakaraang di ko naabutan, gaya ng mga "hapon" sayo ko ipinapakwento yun... Kung ano ba ang nangyari noon. Di ba ang kwento mo sakin " nagtatago pa kayo sa ilalim ng bahay kapag andyan na ang mga hapon." O di kaya sa mga artista noong araw na naabutan mo na di ko kilala, kaya ko sayo natatanong.

Ngayong wala kana lola azon. Wala narin ang story teller ko. Wala na rin akong lola. Wala na rin mag-aalala sa mga kapatid ko. Wala na ring mataray na matanda dito sa bahay.

We love you lola. Behalf ng mga apo mo... Micky!

Friday, December 6, 2013

Sometimes are more often.

Ang nasasaloob ko!

Yung iba sabi piliin mo ang sumaya ka! Kahit sa paraan na alam mong mali.

Mali nga ba? Yung masaya ka sa alam mong dun ka talaga masaya? Imbes na problema ang iniisip mo?

Mas pipiliin mo ba ang mga taong nagda-down sayo? Kaysa sa taong napapaligaya ka?

Siguro mali sa ilang rason.

Rason na alam mo talagang mali. Pero pinanindigan mo na lang hanggang sa maging tama ito?

Hindi ko alam kung tama o mali.

Pero alam ko dati mo pa yan gusto.
Pero ngayon parang alangan "daw"

Pero ikaw yan! Buhay mo yan!
Sino ba ako?!

Basta (if ever totoo?!) basta wag siraulo, yung dadalhin ka sa mga bagay na alam mo ng mali sasama kapa rin sa mga bagay na mali.

Ang akin lang...

Alam mo ngayon ang kondisyon ng bahay buhay natin.

Pahalagahan na sana natin yung mga taong tumutulong, nakatulong. Hindi yung masisira ka ng dahil lang sa lintik na kasayahan na yan!

Ang nasasaloob ko!

Michael...

Sunday, December 1, 2013

Tattoo


MICHAEL - hindi lahat ng may tattoo loko kagaya ko!👊

Photo taken November 30 2013