Wednesday, January 29, 2014

The Good Samaritan, Jeepney driver.

"Overheard while i was on my way to school just today...


Lola: Bayad ho


Jeepney driver: Señior citizen ho kayo?


Lola: Oho.


Jeepney driver: May kasama ho kayo?


Lola: Wala ho.


Jeepney driver: *returning back the money to the old lady* Wag na ho kayo magbayad.


Lola: Ha? Bakit?


Jeepney driver: *smiling* Kung wala po kayong kasama kahit ilan po kayong señior citizen dito sa jeep ko basta hindi kayo magkakilal, nililibre ko." 


(Photo grab on Facebook, from Astig FM)


Ang sarap kaya tumulong. Para pag tanda ko meron din tutulong sa akin!


He was such a good samaritan, that's the reason why i felt the need to share this to everyone. May he be blessed all his life.


Saludo ako sayo, kuya driver!


Source: Astig FM - Dec 5. (Shared on Facebook) 

Sunday, January 26, 2014

Ate Nancy's Mango Shake (malabon's famous mango shake)

Minsan lang sa isang taon mag summer at dun lang talaga yung mga panahong super ineeet at wala kang ibang gusto kundi ang magpalamig. Sa kahit na paraang alam mo... Syempre kapag summer uso ang Halo-Halo at iba pang pampalamig.

Pero dito sa malabon, lalo na sa Concepcion. Isa lang ang sa tingin kong alam kong pwedeng makapag paalis ng tindi ng init na yan...

Mula taong 1991 ng buwan ng February.
(Hanggang ngayong) Ay nagsimula ng magtinda ng...
(makakain, maiinum,... At kung ano pang malalamang tiyan...) si "Ate Nancy" o mas kilalang "Ate Nans" (nang iba) at gaya nga ng summer at sa sobrang inet sa kanya nagpupunta ang mga tao para sa Sikat na Sikat niyang "Mango Shake" di ko na matandaan kung nasa magkano yung pinaka mura noon pero wala pang P10 ata ang malaking size noon.

(Mango - Chocolate, (with Milk) for only P18)

Syempre modern na tayo., aba syempre nag Level-up na ang mga Shakes ni Ate Nans with Milk na ngayon. At ang dami ng Flavors., na tiyak niyong magugustuhan.

Wayback story - Naalala ko lang kung gaano kabait si Ate Nans samin. Kada bibili kami noon. Mas sobra pa yung bibigay niya sa amin. Kungbaga buy 1 take 1. Kasi sa isang baso minsan sobra yung shake so lalagay niya pa sa isang baso ulit yon at yon ang bibigay niya samin. Oh diba ang galing. Saka kanina pala mas matangkad nadaw ako sa kanya haha... Ang tatangkad na daw ng mga bata noon na bumibili sa kanya ngayon Binata na. Mashare lang. :)

Takenote ha. Kahit super commercial na ang Concepcion sa dami ng businesses sa lugar. Lalo na yong mga Tea Shop ang dami,. Pero mabili parin talaga. Walang kupas!!!

(Sorry kanina kay Ate Nans, nagulat ko ata siya nang kinunan ko yung store niya. Hindi niya kasi alam.)

Note: Pls visit Ate Nancy's "Mango Shake" at Concepcion, Malabon City. Near Tropicana Studios.

More? Pls do follow me on my Twitter acct: @michaelpineda22 (twitter.com/michaelpineda22)

Also on Instagram: @michaelpineda22 (Instagram.com/michaelpineda22)

Lets be friends add me on Facebook: facebook.com/darkmichael022

(01/26/14) Til then folks! :)

Friday, January 24, 2014

It takes a special man to be a daddy.

Minsan hindi talaga natin mapigilan mamiss ang isang tao lalo na't isa siya sa pinaka malaking naging bahagi na ng buhay mo.

Ilan taon na ba simula ng nawala siya sa amin 2-3 years?


Ito naman ang lagi kong sinasabi... "Hindi man ikaw ang tunay. Ikaw naman yung naging Totoo..."
We misses you so much...

May isang Instagram account akong pinafollow na nakapagpa-alala sa akin ng isang tao. 

Follow MDLF13 on Instagram!

Ito'ng picture na 'to!


Ang swerte siguro ng batang nasa picture no? At kasama niya ang kanyang ama sa larawan.

Masayang tignan, sa part ko malungkot tignan...

Ito pa ang ilan...


"good dad with his babyboy teaching him future life lessons."


"Proud dad chilling with his babyboy loving the life of a REAL Dad."

Westlife member Nicky Byrne...

(Photo from Google)

"All man could be a father but it takes a special man to be a daddy." - Nicky Byrne


Hindi lahat ng Tatay ay Tatay talaga. Kasi yung IBA tatay nga ayaw naman magpaka-TATAY.!


Photo from: MDLF13 (Instagram.com/MDLF13)

Picture picture.


With Ashley baby!!! Makulit pero cute!

Tuesday, January 21, 2014

Thai Movies

Nito lang, nakahiligan kong manood ng mga thai movies... Siguro nag-sawa nalang ako sa mga pelikulang pilipino ngayon. Yun at yon nalang din ang mukha, itsura ng mga artista.

Kahit hindi ko maintindihan ang salita nila pero tatagos talaga sa puso yung mga eksena lalo na't kung relate na relate ka sa istorya...

(First Kiss)


Itong first kiss kakatuwa na kahit mas may edad yung babae kaysa sa lalake ay sila parin hanggang sa huli.

(Love At First Flood)


Ito naman parang nasa Malabon kalang. E pano Baha... Pati pala sa Thailand grabe magbaha... Good movie.

(Fabulous30)


Fabulous30 parang malapit yung story line niya sa First Kiss edad din ang problema nila. Pero gaya ng First Kiss sila parin ang nagkatuluyan... Partida wala pang english sub ng pinanood ko yan. Wala lang masabi lang.

(Love at 4 Size)


Pang teens naman ito., Apat na kwento, sa part 3 and 4 lang ang medyo nagustuhan ko dito. Pero overall nice naman.

(Hello Stranger)


At Hello Stranger ito siguro ang pinaka nagustuhan ko ng husto.

Walang umpisa, wala din tinapos. Sa tingin ko. Maganda yung takbo ng story line... Sana may part 2 pa nga!!!

(An Ordinary Love Story)


Medyo nakulangan ako sa istorya nito. Parang may kulang... O bitin lang?! Okay lang naman yung flow ng story so okay parin.

(Crazy Crying Lady)


Nasa Thailand na pala si Mura? syempre Joke lang yon!!! Yon lang masasabi ko! :)

Iba man ang salita nila ni di mo maintindihan. Pero kung papanoorin mo ng mabuti. E kahit papaano e magegets mo naman.

ฉันจะนำพาประเทศไทยสามารถมองเห็นความงามที่แท้จริงของประเทศนี้ try ko lang sorry naman kung may mali. Thai friends :)

Photo from Google.

Friday, January 10, 2014

Boy Benta Syerts!


Thank you to these new shirts Mr. Neil Ryan Sese. Super na appreciate ko to! Hoping someday na magkita po tayo at maka pagpa-picture tayo together. Thank you sa "Boy Benta" Syerts!!! Like it much!!!

Friday, January 3, 2014

Movie Time


While waiting... KFC daw po muna! :)
With Tita Dideth, Shane, Kim, Daisy, Ate Zandra @ SM City North Edsa (The Block) Yey! Movie Time for (Vice Ganda's - Girl, Boy, Bakla, Tomboy and Pag-Pag)



Okay first stop. Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Nice movie itey ehem ito pala. :)
Hindi ako ganun ka fan ni Vice Ganda dahil sa mga "Hurtful jokes" niya.
Pero sa Comedy i must say "Ang Galing" niya. Rate sa movie? Mga 8.5 / 10 haha! :)


Okay! Second stop... (PagPag)

(Una sa lahat Sorry sa Picure poor ng image off na kasi ang mga ilaw nung oras nayan sa sm late na kasi kami nalang ata mga nasa loob ng sinehan ang inaantay lumabas niyan.)

Anyway... Akala ko comedy ito sa totoo lang, yung mga tao sa loob ng sinehan tawa ng tawa sa movie?! Ano to?! Pero nagulat naman ako... Hindi sa movie pero sa katabi ko nung nagulat siya nahampas niya ako. Ayun dun ako nagulat! Thanks to her (kim) haha! Masasabi ko lang e ang galing ni miles ocampo ha sa moment niya lang ako medyo nagising dun saka kay cj. (Clap-Clap-Clap) Ni di na nga namin tinapos ang movie sabi ng mga kasama ko tara alis na tayo. Wag na natin tapusin.

(Para sa fans ng movie?, di ko po sinisiraan ang movie, ayun lang ang Base sa akin at sa mga kasama kong nakapanood nito. Thank you!)

Rate sa Pagpag 4. Pwede na yan! :)



At sawakas. Naka upo at naka kain din.
Habang wala ang aming order. Nakita namin si Ms. Susan Enriquez beside sa table namin. Ang bait at tahimik pala siya. At nag-babye pa siya sa amin lahat pag alis niya. Thank you ms susan. Kay susan tayo! :)

Nung palabas na kami ng sinehan, ng sm, hanggang cab nagsisihan pa dapat daw "My Little Bossings" nalang pinanood e. (Kasi bago manood nagtanungan kung sino sa Pagpag? O sino sa MLB anim kami hati e. Pero sabi kakagaling lang sa tawa sa GBBT so sa nakakatakot naman. Ay ganun din pala sa Pagpag. Ending Nganga.)

(Naishare lang naman, walang basagan ng trip. :) Mabuhay ang Pelikulang PILIPINO!)

End of the night. Pagod! Well. Til then folks!!!