Wednesday, May 29, 2013

Family Computer

May isang bata sa isang sasakyan (FX) nakahiga sya sa hita ng kanyang ina... Bago paman nun ay isang bagay ang lubos na hindi nia malimutan... Ayun ay yung pag himas ng kanyang ama sa buhok nito sa ulo tila ba nagsasabing ang galing mo. Very good ang dating nun sa bata... At habang umaandar ang sasakyan galing silang airport nun ay bigla na lang nagulat ang mga tao sa paligit nia yung mga kasama nia sa sasakyan nagulat sa bata nang biglang... Umatungal sa pagiyak ang bata na nakahiga sa mga hita ng kanyang ina... Ang tanong ng mga tao sa bata, bakit daw siya umiyak nang bigla? Ang akala nila kaya umiyak yung bata kasi pauwi na sila at hindi pa siya naiibili ng laruang gusto nito. Ah gusto na niya magpabili ng "Family Computer" (yon pa kasi ang uso nun) ayon ang nasa isip nila. At bago pa sila makauwi ay naibili na siya ng laruan... Ang hindi nila alam lahat ay kaya pala ganun kalakas ang iyak ng bata mula sa pagkakahiga ay... Naalala niya yung moment na... Hinimas ng Ama niya yung ulo niya kasi may nagawa syang ikinatuwa ng kanyang ama. Ni hindi naalis sa kanyang isipan yong pangyayaring iyon kaya naman sa pag alis ng kanyang ama papuntang ibang bansa iyon ang nasa isipan niya. Bigla bigla nalang pumasok sa isipan ng bata ang oras na iyon.! At sa mga panahong iyon naibili ng laruang ni di niya lubos na inakalang makukuha niya ng araw din na yon!



At ang batang iyakin na yon ay walang iba kundi syempre AKO hahaha! Masaya lang dahil hanggang ngayon ay di nila alam na yon pala ang dahilan ng pag-iyak kong yon sa FX! At may bonus pang "Family Computer" ang akala nila kasi yon ang dahilan ng pag-iyak ko e... Anyway back to the story, hanggang ngayon kasi mula bata pa, pag may time na naaalala ko siya si Papa Masahiro e ayon yung isa sa mga da best na moments namin together!

Monday, May 20, 2013


Hindi mo man naibigay ang hiniling ko mula sa sayo, huwag kang magalala nakuha ko naman yung gusto ko pero syempre hindi ikaw ang nagbigay. Inasan ko pa naman kase ang sabi mo babawi ka... Pero okay lang! Ngayon pa ba ako maninibago? Hahaha!

Friday, May 17, 2013

Bangkang Papel


Masayang maalala ang nakaraan lalo na't yung nakapag pasaya sayo ng husto. Nung wala pang Computer, at Cellphone nun Bangkang Papel lang MASAYA kana. :)

Monday, May 13, 2013

Eleksyon 2013


Hay! Sa pangalawang pagkakataon at nakaboto ulit. Sana hindi ako nagka-mali na kayo ang ibinoto ko kasi dapat tama! Isang Eleksyon na naman ang lumipas. Sana may magBago naman at sana Walang Pangakong Mapako! :) Godbless Philippines!

Friday, May 10, 2013

500 Friend Requests



Thank YoĆ¼ naman sa "500" plus "Facebook" friend requests niyo!

Saturday, May 4, 2013

Bata'ng Masaya

Mabuti pa nung "Bata" Mayasa... :')
Nakakamiss din minsan ang nakaraan lalo na't nung "Bata" pa tayo yung bang wala tayong iniisip kundi ang maglaro nang maglaro. Ni hindi mo iisipin ang bukas... Kundi parang wala ng bukas sa kakalaro.
Yung iiyak ka kapag di naisama ni Nanay sa lakad niya.
Iiyak ka kasi hindi ka naibili ng gusto mong laruan.
Yung ang itim itim mo na sa sikat ng araw at amoy araw ka na din sa labas.
Namiss ko lang... Lalo na't ang mga Pinsan mo nung bata kapa ay ang "Bestfriend" mo. :)
Iba na kasi ngayon, yung mga "Bata" noon, ngayon pwede nang gumawa ng Bata! Hala joke lang... :)



Bestfriend

Sa mga panahong wala akong kasama at ikaw lang ang nanjan...
Sa mga oras na tanging liwanag mo lang ang tanging liwanag...
Yung mga panahon na sayo ko lang na ibabahagi ang mga nasasaloob ko na walang sino man ang nakakaalam...
Wala pa nung "Digital" o mga ano man na papantay sayo, para sa akin.
Lahat ng larawang naka hagip ng saya sa mga mukha ng totoong buhay namin...
Sa oras na tanging boses mo lang ang lagi kong naririnig...
Umaga pa lang ikaw na agad ang unang hinahanap ko...
Sa mga oras na feeling ko "OP" ako ikaw ang nagparamdam na di ako nagiisa...
Simula nang nagkasama tayo, ikaw na ang kadamay ko sa lahat, ikaw na tong, "Web browser", "Radio tuner", "MP3", "Flashlight", "Call & Text, Buddy", "Date marker". Lahat na!
4years and more sapat na yun para sa isang Salamat my "Bestfriend" Nokia N70 ko! :)