Monday, March 31, 2014

Concepcion Malabon!

Nakakamiss din pala talaga ang mawala sa lugar kung san ka lumaki e no?


Nung bata pa kayo ikaw...
Anjan yung maghabulan nang walang humpay sa kalsada. Umiyak man sa laro hala sige parin ganyan naman ang bata e. Iiyak kasi iniway ng kalaro mamaya bati nanaman. :)


Takbo dito, takbo doon. Iba na talaga ngayon ang linis na nang daan at maluwang na, pero wala ka nang makikitang mga batang masayang nagtatakbuhan. At naglalaro ng mga larong kalsada. Makikita mo nalang ang mga bata ngayon sa computer shop naka babad ang mga mata sa computer. Mga kalaro mga taong nasa loob ng monitor haha! :)


Ito naman lagi kong sinasabi ang mga bata noon. Bata na ang ginagawa ngayon. Opsss! :)

Till then...



Saturday, March 29, 2014

My little first love

Lahat naman nagseselos. Lahat pwede magselos. Lahat lahat kahit bata...




Bata palang si... may Crush na! Gaano ka bata? Ang bata na ito? Siguro mga anim (6) na taon siya noon. Kasi nasa grade 1 pa lang ang batang ito.


Syempre bata mga, wala pang muang sa mundo inusente kungbaga. Wala pa talaga sa isip niya ang Love Love na yan. Ang nasa isip niya noon ay ang magkabisa ng "A E I O U" at " 1 2 3 4 5" hindi naman talaga alam ng mga batang nasa anim na taon kung ano ba talaga ang "Love" diba?


Pero ang batang ito isang araw pag pasok niya sa school, hindi niya maipaliwanag kung bakit ba siya nagagalit dun sa isang batang lalaki na transferee! Ang nasa isip ng batang ito, nakukuha ng bagong lipat na bata ang atensyon ng Crush niyang batang babae...


Galit yung bata, palingon-lingon sa bandang likod ng upuan. Kasi dun banda nakaupo yung batang babaeng gusto niya., at yung bagong lipat na batang lalaki.

Hanggang sa nagtapos na sila nang grade one, nagkalipatan na ng mga section. Hanggang sa hindi na sila naging magka-klase. In the first place itong batang ito hindi siya naging close sa batang babaeng gusto niya.

Pangalawa sa huling kita niya sa batang babaeng crush niya ay yung grade 4 siya., at yung pagkakataon na yun, nakita niya yung batang babaeng gusto niya na nasa first floor at siya nasa second floor at mula doon natanaw niya yung batang babaeng mula grade 1 ay gusto na niya. Sa pagkakataon na yon ay parang out of the blue e napatingin din yung batang babae sa kanya mula sa baba hanggang taas kung asan siya nakatayo at nakatitig sa kanya. Pangawala yan sa huling kita nila...

Pero hanggang ngayon na aalala parin ng batang lalaki yung batang babaeng naging kaklase niya na naging unang kungbaga e "First Love" niya...

Huling nakita siya nang bata ay yung naka upo siya sa may..., parang upuan na semento sa labas ng bahay nila. Samay eskinita.

Simula nang nalaman ng bata na dun pala nakatira yung batang yon. Kapag dadaan siya sa eskinitang yon. Lagi nalang siyang pasulyap na tumitingin sa sementong upuan na yon. Umaasang makikita niya ulit...

Si Jelly? Yung batang babae. Siya yung unang babae na nagalit ako kasi may ibang lumalapit na lalaki sa kanya. Oo yata nag-selos na ko sa edad na anim. Kita mo yon! :)

Sabi ko sanyo kahit bata pwede nang mag-selos. Ang lagay ikaw lang?! Ha! Ha! Ikaw lang?! :)

Photo: Google
Source: Michael Pineda

Tuesday, March 25, 2014

Appreciate it while you have it!

Yung ang tagal mong hinintay yung isang bagay tapos nung nasayo na. Bigla mo lang pinakawalan!?


Matuto kang pahalagahan ang mga bagay na nasayo na., hindi mo lang nakikita kasi busy ka sa mga bagay na ni di ka man lang mabigyan ng oras at panahon para pasalamatan ka dahil anjan ka., sa mga oras na wala ang iba pero ikaw ang nanatili. Appreciate!


Photo: Instagram

Monday, March 24, 2014

Fake turned into Real Love

Hindi eksakto pero may point. Habang nakikinig ako kay PapaJack ito ang sabi niya... Quote and unquote.


Sakto yan sa movie na napanood ko sa youtube. "My FAKE Fiancé"


Feeling ko nabitin ako sa movie kasi parang pwede pang ipush yung story?
Pero sa one hour and 20 mins e naging okay naman!
Nice and sweet romantic movie shared on youtube! :)


Photo: Papa Jack Quotes™ | Google | Youtube

Friday, March 21, 2014

22 at 23

Ang bilis talaga, akalain mo March na naman oh! E ano naman sayo e no? Sa 'kin wala lang din naman. Birthday ko lang naman at birthday din ni Thea Amada...
Simula nang nalaman kong ka-bday ko siya mas na aalala ko pa na birthday niya kaysa sa birthday ko. Sorry Thea sa pagnakaw ko ng Picture mo sa Instagram mo :)✌️Happy birthday to yoü to üs!!!👍

Thanks kay Paloma siya unang bumati sa 'kin sa text :) 

Pangalawa si PapaJack on-air niya ko binati. Hiya naman ako nun haha thanks pajack!👍

Drama mode:
Sa isang taong nakalipas marami din naman ang nagbago naglaho.

Itagay na na'tin to!!!

May nawala, may umalis. Pero may dumating and thank god hindi niya ako talaga binibigo sa mga prayers ko sa kanya. Mainam pa nga siguro ang "Prayers than Promises" haha!


Maraming salamat naman sa mga naka-alala na birthday ko today. Thank you!!! Lord thank you for always been there no matter what! Michael here! :) sa mga Hindi naka-alala mga "PISTI" kayo! :)

Wednesday, March 19, 2014

Music and Lyrics

Imagine 2007 pa napalabas sa mga sinehan ang "Music And Lyrics" tapos ngayon gabi ko lang napanood? Sa Video City kasi wala na silang DVD ng movie na yan. Kanina nagpunta ko wala na daw, hindi na available. But... A big thank you to Watch23.com dahil napanood ko to ngayong gabi ng Libre. :)

Photo from Google

Again thanks to Watch23.com for uploading this movie online :) Ilang taon ko na kasi gustong mapanood tong movie na to... "Way back into love" wayback 2007 yan ang most played sa Mp3 ko before :) Part by part nga lang ang panood sa Watch23.com pero kumpleto naman. Galing the best to.!

Source: Google/Photo

Boy Benta Syert!

wearing my Boy Benta SyertThank you to Mr. Neil Sese to this awesome Blue Boy Benta Syert!


Boy Benta Syerts available at Greenhills Shopping Center, stall no. VM-147 and VM-85. Bili na!!!👕👔👚🎽

CLICK here: http://t.co/iQi8y5Xgyp

Monday, March 17, 2014

Marry Me (Movie - Lucy Liu)

Hopeless romantic ka man o hindi? Tyak kikiligin ka sa movie na ito. "Marry Me" Ni Lucy Liu at nang tatlo niyang Fiancés haha may haging nang pagka comedy pero sigurado na magugustuhan niyo to.

(Photo from Google)

Part one to part two ang galing nang pagkadirect ng movie parang hindi naputol yung storya niya sa part one sa part two sa husay ng flow ng story...


Sa last part ng part 2 medyo sablay sa sounds mga 30mins before the end may sound something na hindi mo masyado maintindihan yung sounds nga. Pero yung movie malinaw not like the part 1 na blurry. Basta ang ganda ng movie na ito must watch sa mga gustong kiligin jan.

(Screenphoto)

KUDOS sa Director ng movie na ito at sa buong casts Superb! Indeed movie.

Define nag "Rejoice" kaba girl ika nga sa commercial... Si Lucy Liu na yong Girl na yon dito sa film na to. Maiisip niyo yan kapag na panood niyo ng buo yung movie, part1 to part2...


Into: "Marry Me" is the story of Rae Carter (Lucy Liu), a former artist now working as a social worker, who has always believed in the fairy-tale romance. But when her long-term relationship with boyfriend, Adam (Bobby Cannavale), falls apart, her beliefs are shaken. Despite her hesitance, Rae begins seeing a handsome man named Luke (Steven Pasquale), and without meaning to, quickly falls for him. The feeling is mutual, it appears, when Luke asks her to marry him after only a short time. But just as Rae begins to get comfortable with the idea of Luke as her Prince Charming, Adam re-enters her life and begs Rae to marry him. And as if that wasn't enough, already torn between Luke and Adam, Rae finds herself being proposed to A THIRD TIME by Harry (Enrique Murciano), a rich and debonair friend of Luke's, who is smitten with her. Now, Rae must decide who she wants to be with. Because if she doesn't, she risks never finding her Happily Ever After. 

(Credit: Internet)

Just watch it on Youtube a really MUST Watch Film :)

Photo/Info: Google / Internet / Youtube / Michael Pineda

Sunday, March 16, 2014

GIFT (Short Drama Film)

Kanina sa misa na banggit ni Father ang isang kwento nang mag-ama, na yung anak e walang ka "amor-amor" sa tatay niya...


Habang ang ama niya ay pilit na gumagawa ng paraan para makatulong sa iba sa paraang alam niya.

Nakakalungkot talaga na yung ibang tao hindi marunong maka-appreciate nang mga bagay na nasa harapan na nila... Tanging sa dulo na lang nila yon nakikita, ang mas na kakalungkot lang na-appreciate mo na kung kailan naman "Wala na" o kaya naman "Tapos na".

Sabi ni Father "Hindi porke wala kang pera, ay hindi ka mayaman..."

Ganun talaga yata e kung kailan wala na dun tayo magsisisi. Well sa kwento naman may parang natutunan naman yung anak niya na makapag-pasaya ng iba, kahit hindi pera ang katumbas nun. Kudos to this Short Film (Drama) at sana marami ang maka panood nito na mga kabataan na may ama o ama nalang ang kasama nila sa buhay. Na sana mas mahalin niyo pa sila, huwag niyong sayangin yung oras na kung kailan wala na sila saka kayo o tayo mag-sisisi.

Thank you, till then... :)

Photo: VIDDSEE / Youtube / Michael Pineda

Thursday, March 6, 2014

Tuesday, March 4, 2014

3years


It's been 3years. We'd been missing you every single of everyday.

Sunday, March 2, 2014

Startalk TweetX


Thank you to this mr Benjamin Alves.👊
Sa tingin ko mas okay kung wala yung "Heart" sign e. Kapuso naman daw!
After Joey de Leon thanks to StarTalk!

Follow me on my Instagram: @michaelpineda22