Friday, March 29, 2013

Disconnected Facebook

"Yung EFFORT mo akong hinanap sa Facebook para lang maging updated ka sa akin sa "Tingin" ko? Aba syempre hindi mo naman ako ini-add sa Facebook para lang maging "Friend" Right?! Ang saya kasi pwede na kitang imessage kahit na kailan ko gusto. Magpost lang ako nang kung ano alam mo na ang ginagawa ko... At the same time mas updated ako sayo kasi ang layo mo sa akin... Pictures mo lang ang saya makita na okay ka. Nagcocoment sila sayo at nagrereply ka sa kanila... Masaya...! :') Ang saya nga naman kasi nga Friend kita... Pero alam mo kung ano yung masakit dun? Friend kita pero niminsan di tayo nagchat... Nagreply ka nga sa message ko sagot mo "Same" lang sa tanong ko, na sana ok ka lang jan. sa mga mahahalagang okasyon nimessage kita... "Merry Christmas" "Happy New Year" ni walang reply na galing sayo. Gusto ko na nga lang isipin na napakaBusy mo... Para hindi maka pagreply man lang kahit... "Same to you..." Ok na sana... Pero ok lang Pasko at Bagong Taon lang yun... Ano ba naman yun sa Birthbay ko diba?! At syempre WALA parin... Ok lang... Yun lang naman ang masasabi ko... Alam mo di ko naman gusto na isulat to para lang mailabas yung nasa isip ko... Hindi ko na maupdate yung Facebook account ko kasi ayaw ko nang makita kung ano man yung nasa facebook ko/mo useless lang naman e... Haha ang akala ko talaga sa Facebook para maging Connected kayo o tayo yun pala na disconnect na agad. Anyway. Hindi lang naman sayo umiikot ang mundo... Sana nung nalaman mo na galing sa akin na wala na sya. Sana dun palang nag mas nagEffort ka na, na bumawi gaya ng lagi mong sinasabi... Minsan nga ayaw ko ng umasa kasi the more i expect lalo lang akong nasasaktan... Hindi para sayo to kundi para lang malaman mo na para sayo talaga to. Sorry kung kailanga ko pang ilagay ang mga bagay... Paano mo malalaman kung di mo malalaman talaga? Get my point? Sorry talaga po! Hindi ako galit nagsasabi lang."

Wednesday, March 27, 2013

The day and Forever.

Nakakatuwang makita ang isang Larawang puno ng SAYA at Ngiti. Yung bang wala kang iniisip kundi ang masasayang bagay sa punto at sa mga Oras na yun. Habang kasama mo ang isang napakahalagang Tao sa Buhay mo. Lalo na kung sa pag lipas ng panahon at naitago mo yung larawang iyon. At sa panahong mahina na ang Taong kasama mo dun sa larawang iyon, masarap pagkwentohan ang mga bagay sa panahong iyon at kasama ang tao sa lawrawang ngayon, yung tatawa ka ng Napakalakas. At yayakapin mo siya at sasabihin mo sa taong kasama mo sa larawan na iyon na kasama mo ngayon sa nakalipas na mahabang panahon ay... SALAMAT at Magkasama pa rin Tayo. At mag sasama pa sa pang habang buhay.

PAPA, I MISS YOU!!!

Thursday, March 21, 2013

Wow! PapaJack and Mr. Neil Sese's tweets says Happy Birthday! Thank you po! :)

Happy birthday to myself.

(1:14 AM) March 22 na oh! At sa araw na ito ay birthday ko daw? Haha Oo nga pala birthday ko?! Wala lang nothing to expect. Pero one thing is for sure i thank GOD for everything kahit na ups and downs ngayon ang buhay buhay. Thank you Tatay Jesus. Wala man ang tunay o ang pangalawa ikaw lang ang nagiisang Tatay ko! At sa panahong ito thank you sa Mama ko alam ko naman na HINDI niya to mababasa dahil hindi niya alam na may blog kuno ako... Sa picture na nasa baba sa kauna unahang Birthday ko siya ang kasama ko at yung "Repolyo" na may hotdog haha... Ang tagal na pala simula ng unang birthday ko... At ngayon Maraming salamat sa taon na lumipas dahil jan ang dami ko ng nasubukang pagsubok sa buhay, na anjan na ang IYAKAN na walang humpay... Sa tatag ng buhay aba alam na namin yan... Sana ngayon araw may Something new na mangyari kung di man Thank you parin... Ito ata ang birthday ko na wala ako sa bahay namin miss ko na kayo jan sa bahay Mama Meg Sato at sa alaga kong sila Orangge Tiger Yukie, Jambo amboy narin... Oh siya! Ang haba na neto! Happy birthday sa akin at Malayo pa tayo sa Finishline... Till then... Smile life is great thank you GOD! :)

Wednesday, March 20, 2013

Magmadali ka! Isara ang pinto! Dali na ho. Ngayon na! :)

Sunday, March 10, 2013

May isang bata nag papagupit sa barbero.

May Isang Bata Nag Papagupit sa Barbero,..

Barbero: Utoy. Alam mo hindi ako naniniwalang may Dyos.

Bata: bakit naman po,.?

Barbero: Tingin ka sa labas, ang daming taong may problema kung may dyos, eh di sana inaayos nya lahat ng problema.

Bata: Ganon po? ako din po hindi naniniwalang may barbero.

Barbero: Ha! Bakit naman?

Bata: Tingin po kayo sa labas. Kasi kung may barbero, bakit ang daming mahahaba ang buhok?

Barbero: Eh hindi ko naman sila pwedeng gupitan kung ayaw nila.

Bata: Ganun din po si “God” Hindi nya maaayos ang buhay natin kung ayaw natin lumapit sa kanya :)



- Tumblr

Wednesday, March 6, 2013