Friday, October 4, 2013

Kaban ng Bayan.

Bakit kaya na gagawa ng ibang tao na mag nakaw ng kaban ng bayan...?

(Photo info: ang larawan na iyan ay kuha ng cellphone camera na pagmamayari ni "Michael Pineda", Hindi po pangungutya o ano pa man ang ibigsabihin nang larawang na sabi.)

Siguro sa takot din sila na maghirap? Takot na mawalan? Takot na wala na silang madudukot na limpak-limpak na pera sa bulsa nila?

10B para sa pangsariling kapakanan? Wow!!!

10B na sana naisip nila na pa gawan ng bahay ang mga walang masilungan... Mga batang gustong mag-aral na di maka pag-aral dahil sa kakapusan sa pera...

Sabagay hindi naman nila maiisip yan, kasi nga nasa mataas na pusisyon sila sa gobyerno?

Hindi nila maiisip yan kasi nga may magandang bahay sila na mauuwian?

Hindi rin nila yan maiisip kasi napakataas ng naabot nila sa eskwela..., na di sapat para tumulong sa dapat tulungan?

May pang hihinayang kasi alam ko iilan sa mga naka upo sa gobyerno ay ibinoto ng taong bayan na alam nila na silang ibinoto ay ang sagot sa kahirapan nilang nararanasan. Na naglummok pa lalo sa putik.

One thing... Pnoy tanging "Wang-Wang" lang ang kaya po ba natin ipatupad? Wow ha?

Wala naman ho may napapansin lang sa kapaligiran. May say naman siguro ako na magsalita? Wala naman ibigsabihin to pero kung nagets mo...? Kuha mo! :)