Tuesday, August 3, 2021

Wasted Thoughts

Blog? Blog? Blog?

Hindi ko na alam kung ano tong blog, blog na to! Hahaha

Napag iwanan ko na to... Pero nabalikan ko naman...

Ano ba ilalagay ko dito? Sa dami ng nasa utak ko ngayon. Pwede kayang 🧠 nalang mismo ilagay dito 🤣

Hahaha buset! 😅

Pero kung mag lalagay ako ng nasa isip ko ngayun dito eh... Siguro naman okay lang kasi wala naman makakabasa nito dito 😜

Insert music "Secrets" by One Republic. Habang nag tatype 😅

Naka deactivate facebook ko kaya wala akong balita sa kahit ano man. Kahit kanino man... Maliban sa nakikita ko sa "My Day" na di ko naman siniseen 🤭 "naka deactivate kasi?" Kapag may problema ko ganyan talaga naka deactivate iniiwasan ko na mag fb at mag post ng kung ano, ano sa fb wall ko na makikita at mababasa ng ilang fb friends ko syempre fam ko... Na later on ididelete ko din naman kasi na himasmasan na... Parang tanga lang kasi... 🙃 Pero ako lang 'yon ha. Kung trip mo mag post ng iyong problema edi post mo. Ikaw yan eh. Kung yan makakagaan ng pakiramdam mo, kaya go lang! 🤗

Pero sa mga di nakaka kilala talaga sakin at nag tatanong kung bakit deact fb ko eh ayun na ang sagot. ☝🏻

Sa mga nag tatanong naman kung okay lang ba ako? lately...

Eh thank you! Thank you kasi kahit paano may nag lalakas ng loob haha na mag tanong... 😆🥰

Kung ang sagot ko sa inyo ay "Okay lang" "Okay lang, same same" eh... Okay naman talaga ko... Pero itry niyo ulit ako tanungin ng 2 o 3 beses pa baka iba na isagot ko sa inyo na... "Uhmm... HINDI ako okay" "Walang tigil ang isip ko kakaisip" "Hindi ako makatulog kakaisip" ang dami kong isasagot sa simpleng tanong mo... 🥺

Ah... Eh... Uhmm... Nag kukunwari! 😔

Para sa mga nangamusta... Sakin nung naka raan... Eh thank you di mo alam kung paano mo ko na pasaya (saya talaga?) at napa gaan ang loob ko sa ilang minutong tawag. 😊

.

At sa mga "friends" natin sorry naman kung feeling niyo eh ayaw ko mag open up sa inyo. Alam niyo naman na simula't simula palang eh napaka mahiyain ko... Bwisit 🙃😅

Kung nag open man ako sayo... Abay kaswerte mo eh. Naks! 😆 Di syempre para mag open ako sayo ng problema na, na di ko naman sinasabi sa iba even sa fam ko eh. Alam mo na may tiwala ako sayo...

Sa iba naman it doesn't mean na wala akong tiwala sa inyo but... Is just that na... I can't and I cannot... Grrr! 😓 Sorry naman kung feeling niyo na iinis na kayo sakin, don't worry kahit ako minsan inis na sa sarili ko 💀

.

Ewan ko lang... Bakit ganun. Lumalayo na naman ako...

Kasi feeling ko nagiging close na ko masyado. Baka kasi maiwan ako. May nasabihan na ako nito di ko lang maalala kung sino, naka inum kasi ata ako nun. 😅

Hirap i-paliwanag eh... Basta may feeling ako na ganyan. Inuunahan kona lumayo kaysa ako pa ang iwan. Something like that. 💔

Well... Tama naman ako this time. Sa una lang masaya 👀

Naahhhh... Ang self fish ng sagot kong yan! 🙄 Sorry! 🤥

Pero sige lang... 🙃 Kung nandyan kayo, nandito lang ako. 🙋🏻‍♂️

Oh... Ano nga ba sasabihin ko? 🙄 😅 😜

Parang napahaba na ata ito. Langya! 😅

.

HinTayin nalang muna natin na umayon ang mundo para sa aTin. 😊



Stay safe guys! Ciao 🖐🏻

#UnsaidThoughts #WastedThoughts
#MutedThoughts