Wednesday, December 11, 2013

RIP Lola Azon


Noong ako'y bata pa siya yong nag-alaga sa 'kin. Pama may sakit man o pag-hatid sa akin sa eskwela. Siya yong andyan habang walang ang mama ko. Ngayong alam ko na ang galaw sa mundo. Siya yong pinagtatanongan ko sa mga nakaraang di ko naabutan, gaya ng mga "hapon" sayo ko ipinapakwento yun... Kung ano ba ang nangyari noon. Di ba ang kwento mo sakin " nagtatago pa kayo sa ilalim ng bahay kapag andyan na ang mga hapon." O di kaya sa mga artista noong araw na naabutan mo na di ko kilala, kaya ko sayo natatanong.

Ngayong wala kana lola azon. Wala narin ang story teller ko. Wala na rin akong lola. Wala na rin mag-aalala sa mga kapatid ko. Wala na ring mataray na matanda dito sa bahay.

We love you lola. Behalf ng mga apo mo... Micky!