Thursday, March 24, 2016

22 x 25

Nakakatuwa talaga yung mga taong nandyan para sayo, yung tipong kahit walang kailangan naaalala ka, walang kailangan pero kakamustahin ka... :) Yung mga taong mas excited pa sayo kasi Birthday mo... Hahaha yung totoo guys?


Thank you very much, Kimmy and Francis hindi ko to inasahan talaga (kunwari) Salamat naman sa pa-cake niyo ha! (buti walang nakalagay kung ilan taon na ko sa cake)


Thank you guys hindi ko na kayo isa-isahin medyo marami kayo para gawin ko pa yang name list eh.

Thank you sa punong abala sa pagluluto Noy and Shane hehe, pasensya na at napaluto kayo ng wala sa oras haha. Also thank you, Tita Apple and Tita O sa place :)


Ate Erma and Ate Rose salamat sa pag punta niyo at sa pagbati. :)


And thank you Insta/FB friends. Specially to Dane Frias, thank u Bespren! And to Sir Ceylon Ching of Love Radio. :)


Wait naka ilang thank you(s) nako? Haha. Thank you Kays... Alam mo na 'yun, Francis. (kanta pa more)


One of the BEST thing that night. 'Magkausap, magkatabi.' (lamang) Sorry sa paa ng batang makulit sa likod. Kalahati nalang ako dyan :( (photo edited)


Huwag na magalit ha, galit natin siya! :) hindi na natin siya bati.

Sa mga hindi naka bati alam ko naman na mas busy pa kayo sa salitang 'busy' so alam ko na 'yun.

-----

Ang bilis ng panahon. Isang taon na agad yung nakalipas... Isang taon na puno ng pagsubok... Lord thank you lagi kang andyan para sakin... Da best ka!!!

P.S Mom and Dad and to my Sibs, thank you so much, I love you guys! :) x

————

Hi guys follow me on my Social:

Instagram: @michaelpineda22
Twitter: @michaelpineda22


Thursday, March 10, 2016

Love youself

Paano kaya kung yung taong mahal mo hindi ka mahal, at yung taong mahal mo may mahal ng iba.

'Yan ang hirap eh magmamahal ka pero hindi ka mamahalin pabalik. Pero aasa ka parin kahit konti wala ka man makuhang pagmamahal sa kanya.

Siya lang naman ang minahal ko, siya lang ang nakapag-pabago sa akin. Kahit alam ko sa sarili ko na mahal ko siya pero may mahal siyang iba.

Masaya sa pakiramdam kapag magkasama kayo kahit alam mong siya lang ang nasa isip mo pero hindi ikaw ang nasa isip niya. Magkasama kayo pero ang layo niya kahit ang kamay niya ang hawak mo. Mahal mo siya pero hindi ka niya mahal.

Paano kung yung mahal mo hindi mahal ng mahal niya? Ah eh. (C)

Nag-iba ka, nag-iba ako, ganun daw yata kapag nagmamahal kaya kang mabago ng taong minamahal mo. Pwede ka rin baguhin ng pagmamahal na nararamdaman mo, mapabuti man yan o mapasama sayo. Mababago at mababago ka.

Mabago ka man niya sa tamang paraan, pasalamat ka. Magpasalamat ka hindi dahil nabago ka niya kundi binago ka ng pagmamahal mo sa kanya, at hindi niya obligasyon na baguhin ka. Mahal mo siya diba? Magpasalamat ka sa sarili mo dahil na bago ka ng pagmamahal.

Masaya kapag nagmamahal, makita mo lang siya OK kana. Wala ka ng problema kahit ang sakit na ng ulo mo sa dami ng iniisip mo. Makita mo lang siya masaya kana. Masaya kana kahit masaya siya sa iba. At yan ang Masakit na part, masaya ka pero masaya siya sa iba.

1: (1/2); Pero kung san siya masaya? Dun din siya pinaka malungkot kasi ang taong mahal niya kung san siya masaya hindi siya kayang mahalin...

Hindi ko alam kung magagalit ako kapag masaya siyang nakangiti, na alam kong hindi ako ang rason ng mga ngiting yon. Ngingiti nalang din ako kahit alam kong nasasaktan na ako, makita ko lang siyang masaya. Hindi ako magagalit kasi mahal ko siya at mahal niya ko kahit...

1. (2/2); Ano man ang mang-yari mahal kita, kahit hindi kona kayang mahalin ka. Pipilitin at kakayanin ko kasi mahal kita.

Ganun yata talaga kapag mahal mo ok lang sayo na ang taong mahal mo may mahal pang iba bukod sayo. Masaya ka kapag kayo ang magkasama, pero malungkot kapag sila ang magkasama.

Pero lahat naman nagtatapos minsan kasi hindi lahat happy ang ending. Darating tayo sa puntong mahal mo siya pero kailangan mo ng magisa. Magisang mahalin ang sarili mo dahil ang taong mahal mo may mahal ng iba. Mahal ka "daw" niya pero mas masaya siya sa taong mas mahal niya kaysa sayo? Maybe it's time na para iwan ko na siya.

Iiwan ko siya hindi dahil hindi kona siya mahal, iiwanan ko na siya dahil alam kong di na siya masaya sa taong nagmamahal sa kanya. Masaya siya sa taong mahal niya at hindi ako yun. Tama na sakin na kahit kunwari lang pala ang pag mamahal niya sakin.

Thursday, March 3, 2016

Too "MANNY" memories.

Ang bilis talaga ng panahon... Parang kahapon lang ang saya kasi "New Year" kasama ang Pamilya (mga pinsan) sa Party, kainan, konting inum. At kita mo yun March na agad ang bilis lang talaga lumipas ng panahon ngayon.

"Nakakamiss yung taong minsan naging sobrang malapit sayo."

                      (Photo: Google)

Nakakamiss talaga yung taong kahit kailan hindi mo na makikita at makakasama ano? Yung tipong sobrang lapit niyo lang na halos araw araw magkasama kayo...

Yung tipong kahit alam niyang ahead siya ng dihamak sakin sa edad eh "Kuya" ang tawag sayo kahit parang anak ka nalang din niya kung tutuusin.

Hindi ako marunong mag-drive well siya marunong, so may sasakyan naman kami that time so, kapag after namin magpunta kung san-san at di pa siya pagod eh may oras siya para turuan ako. Kaya nga hanggang ngayon kahit paano may alam ako sa pag drive. (Atras abante lang naman kung maka alam sa pag drive LOL)

Nakakatuwa lang na maalala yung moment na ( sob :( ) naka-upo ako sa isang mahabang upuan habang nanonoud ng TV tatabi siya sa akin tapos hihiga sa hita ko na parang unan ba, tapos mag tatakip ng puting panyo sa mukha tapos sasabihin niya sakin "Kuya, pahiga ha."

Wala lang... After so many years na, nawala na siya sa mundo eh, kaninang umaga nagising ako at sa pagsiging ko eh alam ko siya yung nasa panaginip ko.

(Sa panaginip ko aba siyempre nasa sasakyan parin kami at siya ang driver. Nakakatuwa na driver pa rin siya.)

Pero yung huling kita namin sa "MC" hindi kami nagpansinan. :( kasi ang tanga ko, ewan ko ba bakit ako nagalit sa kanya ( na sana hindi nalang ).

Di ko na sabihin kung ano yun. Pero sana hindi nalang nangyare yun para sana kahit sa huling araw niya Okay kami.

Nung huling araw na. Yung araw na ililibing na siya... Tulog ako nun... Tapos nagising nalang ako na, na kasama ko siya sa panaginip at nasa sasakyan kami yung parang tinuturuan niya ata ako mag drive sa panaginip ko something like that.

Tapos bigla ako nagising... Nakita ko si Mama nagaayos. Sabi sakin ni Mama "oh di kaba sasama sakin sa simbahan, sa libing..."

Kasi nga galit ako sa kanya nung mga panahon nayun. Kahit alam kong ganun na nga nangyare sa kanya. (Anyway, dahil sa atake sa puso kaya po siya nawala) ewan ko siguro alam namang natin pag lalake "Pride" diba? Pero langyang pride 'yan!

Pero mabait naman siya siguro naintindihan niya ako... At dahil nga kanina sa napanaginipan ko siya bumalik lahat ng memories na magkasama kami... Namimiss ko yung pag tawag niya sakin na "Kuya" by name lang kasi ang tawag ko sa kanya (walang galang na bata :( ) kaya siguro naisip niya na "Kuya" ang tawag niya sakin hahaha ewan ko ba.

Hay buhay... Bakit kung sino pa yung talagang mabait at malapit sayo sila pa yung nawawala. Namiss ko tuloy si Manny or Kuya Manny. Siguro kung buhay pa siya ngayon baka malamang close parin kami the fact na kung di ako nagalit sa kanya na nonsense naman talaga yung galit galitan ko. :(

Shit itong araw na 'to siya lang pumapasok sa isip ko... :(

Nakakalungkot lang na. Wala na yung taong nagsabi sakin na "kaya mo yan." Kasi alam niya tinuruam niya ako mag drive, kaya niya nasabi yun. pero may masaya naman na memories na naiwan siya sakin... Namiss lang kita Kuya Manny, :(