Monday, June 24, 2013

Relate lang ako dito sa episode ng pepito manaloto nung linggo. Tama naman ang sabi ni Bitoy.
Hindi ka talaga makakarelate kung ang tanging problema mo ay ang love life mo hindi ang life mo. Hahaha. Joke! Hay buhay! God help us. Thank you!

Wednesday, June 19, 2013

Kumot

Ewan ko kung bakit di na ako makatulog ng di naka talukbong. Siguro nga may mga nagagawa akong ako lang ang nakakaalam kapag naka talukbong na.

1. Ang magtext ng naka talukbong ng kumot pag ayaw kong may makakita sa kin magtext. (Privacy)

2. Pag nagdadmot ka sa pagkain. Haha!

3. Kapag uutuhan ka. At ayaw mo ng bumangon. (Tamad lang e no?!)

4. Pag may kausap sa phone.

5. Kapag galit si mama sa mga kapatid ko. Talukbong ng kumot para di ka madamay. Haha!

6. Kapag senti mode ka while listening musics.

Ang ayaw ko lang na (pang 7) ay yong nakatalukbong ako pero di nila alam na...

Umiiyak ako... Umiiyak ako kasi kahit alam kong anjan sila pero namimiss ko sila, ewan ko ba!

At yung pang 8 ito yong ayaw ko. Yong akala nila ang sarap ng tulog mo. Pero tawag sila ng tawag sayo para gumising pero wala silang magawa kakasigaw nila sayo kasi... Nakatalukbong ka ng kumot pero wala ka ng buhay!

Check niyo rin minsan...

Tuesday, June 18, 2013

Can't cry hard enough!

Hindi ko lang alam kung kailan ang saya isipin na naibibigay mo lahat ng gusto nila...at masaya sila...syempre masaya ka kasi nakikita mo silang masaya. Dun talaga mawawasak e...dun ka sisirain...yong di ka titigilan hanggang di ka nila nadudurog...pero bakit ganun dun na nga lang ako bumabawi sa pag iisip na masaya kami. Ni di pa pinatawad. Kada magiisip na lang ako...kinabukasan yon na...gising na gising ka pero binabangungot ka. Ang saklap. Yakap at iyak lang tanging gigising sayo na totoo ang lahat ng nangyayari sayo, sa inyo. Siguro sa ibang buhay ang sama sama namin yung tipong pumapatay kami ng walang malay na tao kaya ganito ang nangyari? Ayaw ko ngang isipin yan. Siguro isang pagsubok lang to...parang contest na may pagsubok tas pagtapos mananalo ka, kayo. Siguro nga tama yong sabi ng taong yon kanina...na dumarating talaga sa tao ang pagsubok. Kung di mo siguro kaya? Kayanin mo di para sayo kundi para sa kanila na lang. Hay ang hirap kapag kayo kayo nalang. Tas ganito pa.

Lagi ko to sinasabi na iiyak nalang kasi walang magawa... Pero ang masaklap pa dun yung makita mo ang taong pinakamamahal mo umiiyak pero wala...wala ka paring magawa kundi ang...umiyak!

Sunday, June 16, 2013

Happy Father's Day

Sana parang "Load" nalang ang buhay para kung sa ganun pwedeng mag "Pasa Life" at sana yon ang ginawa ko. Para di lang minuto, oras, buwan, taon ng buhay ko ay naibahagi ko sayo!




 Ilan taon na rin simula nang nawala ka po pero di lumilipas ang gabi na di kita naiisip na puro "Sana" na lang ako! Na sana nung andito ka pa ginawa ko na sabihin sayo kung gaano kita po kamahal I owe you a lot! And we miss you so much. Papa alam ko na hindi man ikaw ang tunay pero ikaw naman yung naging totoo sa akin sa amin! Papa Masahiro... You're my Hero Happy Father's Day and to Tatay Jesus up there!