Tuesday, August 28, 2012

Papa Jack Said/Quotes

“Youre not hurt enough to stop you from doing your part. Natatamaan lang yang pride mo kaya akala mo sobrang sakit na. Kaunti pa lang yang nararamdaman mo para sumuko ka. Hindi pa yan sapat na dahilan para bumitiw ka. Take time to rest and think about the good things that happened. Atsaka mo itanong sa sarili mo kung sapat na ba yung sakit na nararamdaman mo para isuko lahat ng mga pinagsamahan nyo. At kung sapat na ba talaga ang ginawa mong effort para isalba ang relasyon na mayroon kayo. Handa ka na bang makita ang kamay niya na hawak ng ibang tao? Kung oo, edi bitaw na. Kung hindi pa, arte lang yan. Pride mo lang yang natapakan.”


Source/Credit: Papa Jack | Tumblr

Friday, August 24, 2012

Semako





Picture-picture... :)

Nakakamiss yung mga Larong PINOY like Luksong baka kahit papano e.. alam parin nila yung larong ganyan nowadays...


Napansin ko lang to.... ang galing no.... hahep sa astegg.....

Ayos na sakin to oh.... :)

Thursday, August 23, 2012


"Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam?
Wag kang magp'ka TANGA sa taong hindi marunong magpahalaga?
Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka rin namang nasasaktan.
Imbes na magtanong ka ng "Hindi pa ba sapat?"
Bakit di mo na lang kalimutan ang lahat? kung alam mong bina'balewala ka na.
Tanggapin mong nagsasawa na sya.
Wag kang magpapadala sa "SORRY" at "AYOKONG MAWALA KA"!

Kung totoo yun,.. Patutunayan nya!"

-BOB ONG

Source/Credit: Facebook

Tuesday, August 21, 2012

Luneta, intramuros trip. Again?!

Childrens Playground photos namin...


(Diether, Satoru, Kevin, Paloma, Ayo, Shane, Kim and myself)

Me and Diether :)

Philippine MAP in Luneta park.

Alam na....

Satoru (Kapatid ko), Ayo, Me

Ohh...

Salamat kay Kim para sa kuhang ito... :)

Oha....

:)

Manghang Mangha ako sa kuhang ito.... aba syempre ako ang nagkuha nyan e...



(Chinese garden)




Saturday, August 18, 2012

MALABON BEST


Habang naglalakad sa tulay with Shane, Kim, Ayo naisipan ko lang naman na kunan yung view na yan sa lugar na yan sa MALABON. papuntang tonsuya to letre ata yan... naglalakad di alam kung asan sya na andon e.. no? hahaha :)

Thank you guys...




Wednesday, August 15, 2012

Bakit Mahirap Magpatawad?


by Marcelo Santos III

"Hindi ganun kadali magpatawad at mas lalong hindi ganun kadali ang makalimot. Siguro natural lang sa tao ang magtanim ng galit sa isang taong nanakit o nagkasala sa kanya. Yun siguro yung defense mechanism ng utak natin para kahit papaano mabawasan o matakpan yung sakit na nararamdaman natin. Pero sabi ng tita ko, “Wala kang aanihin kapag nagtanim ka ng galit sa puso mo. Okay na yung magalit ka ng kahit saglit pero hindi panghabang buhay.”

Napaisip ako. Oo, tama siya. Ang pagpatawad ang parang Mathematics, mahirap pero lahat may solusyon. Lahat magagawa.

Based on my experience, mahirap talagang magtanim ng galit sa taong nagkasala sayo, sobrang bigat sa feeling. Parang puro hatred at negatives ang nabubuhay sa puso’t isip mo. Na yung tipong gusto mong magfail din siya para masabi mong naKARMA na sila pero sa dulo, ang talunan talaga ay ikaw. Ikaw din yung nasaktan. Ikaw din yung naging masama.

Mahirap lamunin ng galit, ng paghihiganti. Wala tayong mapapala sa pagtatanim ng galit at hindi pagpapatawad.

Oo, mahirap magpatawad pero ano ba ang madali sa mundong ito? Lahat naman mahirap pero lahat naman ay kaya natin. Kakayanin. Gagawin.

Hindi naman talaga nakakalimutan ng isang tao ang pagkakasalang ginawa ng tao sa kanya. Hindi man ito nakakalimutan pero para rin itong boses, nagfe-fade. Lumalabo. Di man natin totally makalimutan, wag na lang natin gawing issue sa pang-araw araw nating buhay.

“Forgive and try to forget. But if you can’t forget, well at least try not to make it a major issue and learn from it.” – Marcelo Santos III"

Source/Credit: Marcelo Santos III

Sunday, August 12, 2012

Hit na HITS...


WoW! 1.1m total of Youtube video views... :)
Hanep... Thank you guys for da awesome Youtube hits... at sa 157 na subscribers :)

Visit my Channel @ www.youtube.com/uchija022

The day that we experience everything.








The day that we experience everything. Hangin Habagat, August 7-9 '12


Source: Kimpotx Pineda

IMPORTANT EMERGENCY NUMBERS


Friday, August 3, 2012

Now playing...




These songs rule my mp3 nowadays... :)


Source: Youtube.com

Reel Time Presents...


Isang bata sa bawat 15 segundo ang namamatay sanhi ng gutom. At kalahati sa bilang ng child deaths sa buong mundo, sanhi rin umano ng kakulangan ng sapat na pagkain. Sa Pilipinas, dalawa sa bawat sampung bata ang undernourished, ito ay ayon sa National Nutrition Council. At ang kapabayaan umano ng mga magulang ang pangunahing dahilan nito. Tulad sa kaso ni Mary Rose.

Sa edad niyang sampu, si Mary Rose ang pinakamaliit sa kaniyang klase. Ang kaniyang taas, para lamang sa isang batang limang taong gulang. Ang kanilang inang si Vina ay mag-isa na lang nagtataguyod sa kanilang anim na magkakapatid. Kuntento na lamang umano ang ina sa kinikitang bente pesos sa isang araw sa pagbabalat ng bawang. Ayon kay Vina, matagal nang sanay ang kaniyang mga anak sa noodles na ulam o sa paminsan-minsang hindi pagkain sa gabi. Nadatnan naming umiiyak si Mary Rose dahil wala silang sabong pampaligo. Ayaw niyang pumasok nang hindi naliligo.

Ayon kay Vina, inuuna niya kasi ang pambili ng pagkain kaysa bumili ng sabon para sa kaniyang pamilya. Pero paano na ang pangarap ni Mary Rose na umalis sa aniya nga’y “marumi at magulong lugar” kung lagi siyang liliban sa klase?

Tunghayan ang “Salat” ngayong Linggo, Hulyo 29, sa ganap na 8:45 ng gabi sa GMANewsTV.

-

Catch the replay of Reel Time (GMA News TV 11)'s "Salat" this Saturday, August 4 at 1:15 PM.

-


Para sa Amerikanong internet celebrity na si Travis Kraft, kulang ang cyberspace para ipangalandakan niya sa buong mundo ang kanyang wagas na pagmamahal sa mga Pinoy at sa Pilipinas. Dating modelo at artista si Travis, pero higit siyang nakilala sa kanyang patok na YouTube video tungkol sa pagluluto ng adobong manok!

Simula noon, halos naging misyon na nga raw ni Travis ang paglikha ng mga video na nagpapakilala sa makulay na kultura at angking ganda ng Pilipinas --- mula sa pagpasyal niya sa Binondo, hanggang sa pagkahilig natin sa basketball, boksing at pati sa sabong! Sa dinami-rami nga ng mga video na ginawa ni Travis, isang araw, hinamon namin ang tibay ng kanyang "pagmamahal" sa ating bayan ---- sa pamamagitan ng pagtira sa isa sa mga pinakamahirap na lugar sa Kalakhang Maynila. Sa loob ng ilang araw, titira si Travis sa isang floating house --- o bahay na pinalulutang sa pamamagitan ng styrofoam!

Susubukan din niyang makipag-barter sa mga barko sa Manila Bay at makipagbulungan sa Navotas Fish Port! Matagalan kaya niya ang hirap ng buhay ng isang informal settler sa siyudad? Handa ba siya sa matinding panganib na maidudulot nito sa kanyang kalusugan? Mamahalin pa rin ba niya ang Pilipinas oras na makilala niya ang totoong mukha ng kahirapan sa ating bayan? Samahan natin si Travis sa isang biyaheng naging mitsa na halos ng kanyang buhay. Ngayong August 5, linggo, 8:45 ng gabi sa Reel Time GMA News TV Channel 11.

Source/Credit: GMA News