Thursday, March 10, 2016

Love youself

Paano kaya kung yung taong mahal mo hindi ka mahal, at yung taong mahal mo may mahal ng iba.

'Yan ang hirap eh magmamahal ka pero hindi ka mamahalin pabalik. Pero aasa ka parin kahit konti wala ka man makuhang pagmamahal sa kanya.

Siya lang naman ang minahal ko, siya lang ang nakapag-pabago sa akin. Kahit alam ko sa sarili ko na mahal ko siya pero may mahal siyang iba.

Masaya sa pakiramdam kapag magkasama kayo kahit alam mong siya lang ang nasa isip mo pero hindi ikaw ang nasa isip niya. Magkasama kayo pero ang layo niya kahit ang kamay niya ang hawak mo. Mahal mo siya pero hindi ka niya mahal.

Paano kung yung mahal mo hindi mahal ng mahal niya? Ah eh. (C)

Nag-iba ka, nag-iba ako, ganun daw yata kapag nagmamahal kaya kang mabago ng taong minamahal mo. Pwede ka rin baguhin ng pagmamahal na nararamdaman mo, mapabuti man yan o mapasama sayo. Mababago at mababago ka.

Mabago ka man niya sa tamang paraan, pasalamat ka. Magpasalamat ka hindi dahil nabago ka niya kundi binago ka ng pagmamahal mo sa kanya, at hindi niya obligasyon na baguhin ka. Mahal mo siya diba? Magpasalamat ka sa sarili mo dahil na bago ka ng pagmamahal.

Masaya kapag nagmamahal, makita mo lang siya OK kana. Wala ka ng problema kahit ang sakit na ng ulo mo sa dami ng iniisip mo. Makita mo lang siya masaya kana. Masaya kana kahit masaya siya sa iba. At yan ang Masakit na part, masaya ka pero masaya siya sa iba.

1: (1/2); Pero kung san siya masaya? Dun din siya pinaka malungkot kasi ang taong mahal niya kung san siya masaya hindi siya kayang mahalin...

Hindi ko alam kung magagalit ako kapag masaya siyang nakangiti, na alam kong hindi ako ang rason ng mga ngiting yon. Ngingiti nalang din ako kahit alam kong nasasaktan na ako, makita ko lang siyang masaya. Hindi ako magagalit kasi mahal ko siya at mahal niya ko kahit...

1. (2/2); Ano man ang mang-yari mahal kita, kahit hindi kona kayang mahalin ka. Pipilitin at kakayanin ko kasi mahal kita.

Ganun yata talaga kapag mahal mo ok lang sayo na ang taong mahal mo may mahal pang iba bukod sayo. Masaya ka kapag kayo ang magkasama, pero malungkot kapag sila ang magkasama.

Pero lahat naman nagtatapos minsan kasi hindi lahat happy ang ending. Darating tayo sa puntong mahal mo siya pero kailangan mo ng magisa. Magisang mahalin ang sarili mo dahil ang taong mahal mo may mahal ng iba. Mahal ka "daw" niya pero mas masaya siya sa taong mas mahal niya kaysa sayo? Maybe it's time na para iwan ko na siya.

Iiwan ko siya hindi dahil hindi kona siya mahal, iiwanan ko na siya dahil alam kong di na siya masaya sa taong nagmamahal sa kanya. Masaya siya sa taong mahal niya at hindi ako yun. Tama na sakin na kahit kunwari lang pala ang pag mamahal niya sakin.