Thursday, March 3, 2016

Too "MANNY" memories.

Ang bilis talaga ng panahon... Parang kahapon lang ang saya kasi "New Year" kasama ang Pamilya (mga pinsan) sa Party, kainan, konting inum. At kita mo yun March na agad ang bilis lang talaga lumipas ng panahon ngayon.

"Nakakamiss yung taong minsan naging sobrang malapit sayo."

                      (Photo: Google)

Nakakamiss talaga yung taong kahit kailan hindi mo na makikita at makakasama ano? Yung tipong sobrang lapit niyo lang na halos araw araw magkasama kayo...

Yung tipong kahit alam niyang ahead siya ng dihamak sakin sa edad eh "Kuya" ang tawag sayo kahit parang anak ka nalang din niya kung tutuusin.

Hindi ako marunong mag-drive well siya marunong, so may sasakyan naman kami that time so, kapag after namin magpunta kung san-san at di pa siya pagod eh may oras siya para turuan ako. Kaya nga hanggang ngayon kahit paano may alam ako sa pag drive. (Atras abante lang naman kung maka alam sa pag drive LOL)

Nakakatuwa lang na maalala yung moment na ( sob :( ) naka-upo ako sa isang mahabang upuan habang nanonoud ng TV tatabi siya sa akin tapos hihiga sa hita ko na parang unan ba, tapos mag tatakip ng puting panyo sa mukha tapos sasabihin niya sakin "Kuya, pahiga ha."

Wala lang... After so many years na, nawala na siya sa mundo eh, kaninang umaga nagising ako at sa pagsiging ko eh alam ko siya yung nasa panaginip ko.

(Sa panaginip ko aba siyempre nasa sasakyan parin kami at siya ang driver. Nakakatuwa na driver pa rin siya.)

Pero yung huling kita namin sa "MC" hindi kami nagpansinan. :( kasi ang tanga ko, ewan ko ba bakit ako nagalit sa kanya ( na sana hindi nalang ).

Di ko na sabihin kung ano yun. Pero sana hindi nalang nangyare yun para sana kahit sa huling araw niya Okay kami.

Nung huling araw na. Yung araw na ililibing na siya... Tulog ako nun... Tapos nagising nalang ako na, na kasama ko siya sa panaginip at nasa sasakyan kami yung parang tinuturuan niya ata ako mag drive sa panaginip ko something like that.

Tapos bigla ako nagising... Nakita ko si Mama nagaayos. Sabi sakin ni Mama "oh di kaba sasama sakin sa simbahan, sa libing..."

Kasi nga galit ako sa kanya nung mga panahon nayun. Kahit alam kong ganun na nga nangyare sa kanya. (Anyway, dahil sa atake sa puso kaya po siya nawala) ewan ko siguro alam namang natin pag lalake "Pride" diba? Pero langyang pride 'yan!

Pero mabait naman siya siguro naintindihan niya ako... At dahil nga kanina sa napanaginipan ko siya bumalik lahat ng memories na magkasama kami... Namimiss ko yung pag tawag niya sakin na "Kuya" by name lang kasi ang tawag ko sa kanya (walang galang na bata :( ) kaya siguro naisip niya na "Kuya" ang tawag niya sakin hahaha ewan ko ba.

Hay buhay... Bakit kung sino pa yung talagang mabait at malapit sayo sila pa yung nawawala. Namiss ko tuloy si Manny or Kuya Manny. Siguro kung buhay pa siya ngayon baka malamang close parin kami the fact na kung di ako nagalit sa kanya na nonsense naman talaga yung galit galitan ko. :(

Shit itong araw na 'to siya lang pumapasok sa isip ko... :(

Nakakalungkot lang na. Wala na yung taong nagsabi sakin na "kaya mo yan." Kasi alam niya tinuruam niya ako mag drive, kaya niya nasabi yun. pero may masaya naman na memories na naiwan siya sakin... Namiss lang kita Kuya Manny, :(