Tuesday, January 21, 2014

Thai Movies

Nito lang, nakahiligan kong manood ng mga thai movies... Siguro nag-sawa nalang ako sa mga pelikulang pilipino ngayon. Yun at yon nalang din ang mukha, itsura ng mga artista.

Kahit hindi ko maintindihan ang salita nila pero tatagos talaga sa puso yung mga eksena lalo na't kung relate na relate ka sa istorya...

(First Kiss)


Itong first kiss kakatuwa na kahit mas may edad yung babae kaysa sa lalake ay sila parin hanggang sa huli.

(Love At First Flood)


Ito naman parang nasa Malabon kalang. E pano Baha... Pati pala sa Thailand grabe magbaha... Good movie.

(Fabulous30)


Fabulous30 parang malapit yung story line niya sa First Kiss edad din ang problema nila. Pero gaya ng First Kiss sila parin ang nagkatuluyan... Partida wala pang english sub ng pinanood ko yan. Wala lang masabi lang.

(Love at 4 Size)


Pang teens naman ito., Apat na kwento, sa part 3 and 4 lang ang medyo nagustuhan ko dito. Pero overall nice naman.

(Hello Stranger)


At Hello Stranger ito siguro ang pinaka nagustuhan ko ng husto.

Walang umpisa, wala din tinapos. Sa tingin ko. Maganda yung takbo ng story line... Sana may part 2 pa nga!!!

(An Ordinary Love Story)


Medyo nakulangan ako sa istorya nito. Parang may kulang... O bitin lang?! Okay lang naman yung flow ng story so okay parin.

(Crazy Crying Lady)


Nasa Thailand na pala si Mura? syempre Joke lang yon!!! Yon lang masasabi ko! :)

Iba man ang salita nila ni di mo maintindihan. Pero kung papanoorin mo ng mabuti. E kahit papaano e magegets mo naman.

ฉันจะนำพาประเทศไทยสามารถมองเห็นความงามที่แท้จริงของประเทศนี้ try ko lang sorry naman kung may mali. Thai friends :)

Photo from Google.