Tuesday, June 18, 2013

Can't cry hard enough!

Hindi ko lang alam kung kailan ang saya isipin na naibibigay mo lahat ng gusto nila...at masaya sila...syempre masaya ka kasi nakikita mo silang masaya. Dun talaga mawawasak e...dun ka sisirain...yong di ka titigilan hanggang di ka nila nadudurog...pero bakit ganun dun na nga lang ako bumabawi sa pag iisip na masaya kami. Ni di pa pinatawad. Kada magiisip na lang ako...kinabukasan yon na...gising na gising ka pero binabangungot ka. Ang saklap. Yakap at iyak lang tanging gigising sayo na totoo ang lahat ng nangyayari sayo, sa inyo. Siguro sa ibang buhay ang sama sama namin yung tipong pumapatay kami ng walang malay na tao kaya ganito ang nangyari? Ayaw ko ngang isipin yan. Siguro isang pagsubok lang to...parang contest na may pagsubok tas pagtapos mananalo ka, kayo. Siguro nga tama yong sabi ng taong yon kanina...na dumarating talaga sa tao ang pagsubok. Kung di mo siguro kaya? Kayanin mo di para sayo kundi para sa kanila na lang. Hay ang hirap kapag kayo kayo nalang. Tas ganito pa.

Lagi ko to sinasabi na iiyak nalang kasi walang magawa... Pero ang masaklap pa dun yung makita mo ang taong pinakamamahal mo umiiyak pero wala...wala ka paring magawa kundi ang...umiyak!