Friday, March 29, 2013

Disconnected Facebook

"Yung EFFORT mo akong hinanap sa Facebook para lang maging updated ka sa akin sa "Tingin" ko? Aba syempre hindi mo naman ako ini-add sa Facebook para lang maging "Friend" Right?! Ang saya kasi pwede na kitang imessage kahit na kailan ko gusto. Magpost lang ako nang kung ano alam mo na ang ginagawa ko... At the same time mas updated ako sayo kasi ang layo mo sa akin... Pictures mo lang ang saya makita na okay ka. Nagcocoment sila sayo at nagrereply ka sa kanila... Masaya...! :') Ang saya nga naman kasi nga Friend kita... Pero alam mo kung ano yung masakit dun? Friend kita pero niminsan di tayo nagchat... Nagreply ka nga sa message ko sagot mo "Same" lang sa tanong ko, na sana ok ka lang jan. sa mga mahahalagang okasyon nimessage kita... "Merry Christmas" "Happy New Year" ni walang reply na galing sayo. Gusto ko na nga lang isipin na napakaBusy mo... Para hindi maka pagreply man lang kahit... "Same to you..." Ok na sana... Pero ok lang Pasko at Bagong Taon lang yun... Ano ba naman yun sa Birthbay ko diba?! At syempre WALA parin... Ok lang... Yun lang naman ang masasabi ko... Alam mo di ko naman gusto na isulat to para lang mailabas yung nasa isip ko... Hindi ko na maupdate yung Facebook account ko kasi ayaw ko nang makita kung ano man yung nasa facebook ko/mo useless lang naman e... Haha ang akala ko talaga sa Facebook para maging Connected kayo o tayo yun pala na disconnect na agad. Anyway. Hindi lang naman sayo umiikot ang mundo... Sana nung nalaman mo na galing sa akin na wala na sya. Sana dun palang nag mas nagEffort ka na, na bumawi gaya ng lagi mong sinasabi... Minsan nga ayaw ko ng umasa kasi the more i expect lalo lang akong nasasaktan... Hindi para sayo to kundi para lang malaman mo na para sayo talaga to. Sorry kung kailanga ko pang ilagay ang mga bagay... Paano mo malalaman kung di mo malalaman talaga? Get my point? Sorry talaga po! Hindi ako galit nagsasabi lang."