Wednesday, August 15, 2012

Bakit Mahirap Magpatawad?


by Marcelo Santos III

"Hindi ganun kadali magpatawad at mas lalong hindi ganun kadali ang makalimot. Siguro natural lang sa tao ang magtanim ng galit sa isang taong nanakit o nagkasala sa kanya. Yun siguro yung defense mechanism ng utak natin para kahit papaano mabawasan o matakpan yung sakit na nararamdaman natin. Pero sabi ng tita ko, “Wala kang aanihin kapag nagtanim ka ng galit sa puso mo. Okay na yung magalit ka ng kahit saglit pero hindi panghabang buhay.”

Napaisip ako. Oo, tama siya. Ang pagpatawad ang parang Mathematics, mahirap pero lahat may solusyon. Lahat magagawa.

Based on my experience, mahirap talagang magtanim ng galit sa taong nagkasala sayo, sobrang bigat sa feeling. Parang puro hatred at negatives ang nabubuhay sa puso’t isip mo. Na yung tipong gusto mong magfail din siya para masabi mong naKARMA na sila pero sa dulo, ang talunan talaga ay ikaw. Ikaw din yung nasaktan. Ikaw din yung naging masama.

Mahirap lamunin ng galit, ng paghihiganti. Wala tayong mapapala sa pagtatanim ng galit at hindi pagpapatawad.

Oo, mahirap magpatawad pero ano ba ang madali sa mundong ito? Lahat naman mahirap pero lahat naman ay kaya natin. Kakayanin. Gagawin.

Hindi naman talaga nakakalimutan ng isang tao ang pagkakasalang ginawa ng tao sa kanya. Hindi man ito nakakalimutan pero para rin itong boses, nagfe-fade. Lumalabo. Di man natin totally makalimutan, wag na lang natin gawing issue sa pang-araw araw nating buhay.

“Forgive and try to forget. But if you can’t forget, well at least try not to make it a major issue and learn from it.” – Marcelo Santos III"

Source/Credit: Marcelo Santos III