Friday, August 3, 2012

Reel Time Presents...


Isang bata sa bawat 15 segundo ang namamatay sanhi ng gutom. At kalahati sa bilang ng child deaths sa buong mundo, sanhi rin umano ng kakulangan ng sapat na pagkain. Sa Pilipinas, dalawa sa bawat sampung bata ang undernourished, ito ay ayon sa National Nutrition Council. At ang kapabayaan umano ng mga magulang ang pangunahing dahilan nito. Tulad sa kaso ni Mary Rose.

Sa edad niyang sampu, si Mary Rose ang pinakamaliit sa kaniyang klase. Ang kaniyang taas, para lamang sa isang batang limang taong gulang. Ang kanilang inang si Vina ay mag-isa na lang nagtataguyod sa kanilang anim na magkakapatid. Kuntento na lamang umano ang ina sa kinikitang bente pesos sa isang araw sa pagbabalat ng bawang. Ayon kay Vina, matagal nang sanay ang kaniyang mga anak sa noodles na ulam o sa paminsan-minsang hindi pagkain sa gabi. Nadatnan naming umiiyak si Mary Rose dahil wala silang sabong pampaligo. Ayaw niyang pumasok nang hindi naliligo.

Ayon kay Vina, inuuna niya kasi ang pambili ng pagkain kaysa bumili ng sabon para sa kaniyang pamilya. Pero paano na ang pangarap ni Mary Rose na umalis sa aniya nga’y “marumi at magulong lugar” kung lagi siyang liliban sa klase?

Tunghayan ang “Salat” ngayong Linggo, Hulyo 29, sa ganap na 8:45 ng gabi sa GMANewsTV.

-

Catch the replay of Reel Time (GMA News TV 11)'s "Salat" this Saturday, August 4 at 1:15 PM.

-


Para sa Amerikanong internet celebrity na si Travis Kraft, kulang ang cyberspace para ipangalandakan niya sa buong mundo ang kanyang wagas na pagmamahal sa mga Pinoy at sa Pilipinas. Dating modelo at artista si Travis, pero higit siyang nakilala sa kanyang patok na YouTube video tungkol sa pagluluto ng adobong manok!

Simula noon, halos naging misyon na nga raw ni Travis ang paglikha ng mga video na nagpapakilala sa makulay na kultura at angking ganda ng Pilipinas --- mula sa pagpasyal niya sa Binondo, hanggang sa pagkahilig natin sa basketball, boksing at pati sa sabong! Sa dinami-rami nga ng mga video na ginawa ni Travis, isang araw, hinamon namin ang tibay ng kanyang "pagmamahal" sa ating bayan ---- sa pamamagitan ng pagtira sa isa sa mga pinakamahirap na lugar sa Kalakhang Maynila. Sa loob ng ilang araw, titira si Travis sa isang floating house --- o bahay na pinalulutang sa pamamagitan ng styrofoam!

Susubukan din niyang makipag-barter sa mga barko sa Manila Bay at makipagbulungan sa Navotas Fish Port! Matagalan kaya niya ang hirap ng buhay ng isang informal settler sa siyudad? Handa ba siya sa matinding panganib na maidudulot nito sa kanyang kalusugan? Mamahalin pa rin ba niya ang Pilipinas oras na makilala niya ang totoong mukha ng kahirapan sa ating bayan? Samahan natin si Travis sa isang biyaheng naging mitsa na halos ng kanyang buhay. Ngayong August 5, linggo, 8:45 ng gabi sa Reel Time GMA News TV Channel 11.

Source/Credit: GMA News