Sunday, April 28, 2013

Jellyace

Isang batang naka upo sa bato, tila may inaantay na taong darating ng mga oras na iyun. Mga hapon na rin, pero may nakita ang bata na paparating... At nakaupo parin siya... Nakaupo hanggang lumapit na yung taong yon sa kanya... Hindi na nya matandaan kung anong unang salita ang sinabi ng taong yon sa kanya, pero ang sabi niya sa bata... Tara punta tayo sa "Personality" at bibili tayo "Jellyace" simula nang araw na yon ni hindi... Ko na nakalimutan ang araw na yon. Si Tito Lalat yon... Hindi ko man matandaan kung ano ang ginagawa ko ng mga oras na yon at bakit ako nakaupo... E alam ko lang napasaya ako ng lalaking dumating ng di ko inaasahan.