Wednesday, February 29, 2012

Mga dayuhang naghihirap sa Pilipinas

Pangarap ng karamihan sa atin ang makasakay sa eroplano, makapagtrabaho sa ibang bansa, at yumaman.

Karaniwan, ang tingin natin sa mga dayuhan ay mas mayaman sila. Subalit sa palabas na "Reel Time" sa GMA News TV ngayong Sabado, ipinakita na may mga dayuhan palang naninirahan sa Pilipinas na naghihirap -- walang makain, walang tirahan, walang maayos na kasuotan.

Itinampok sa "Reel Time" ang apat na mukha ng mga pangarap na nasilaw sa ganda ng Pilipinas: si Kurt, Frans, Ward, at Wolfgang.

Isang clip mula sa dokumentaryang "Dayuhang Dukha" ng programang Reel Time, na umeere tuwing Linggo 8:45 PM sa GMA News TV Channel 11.

Kurt

Sampung taon nang naninirahan si Kurt Kolms sa Pilipinas. Isa siyang Amerikano na nagkaroon ng trabaho sa bansa bilang isang kapitan ng marangyang yate. Pagkalipas ng limang taon, natanggal siya sa trabaho. Nagkaroon na rin siya ng pamilya sa Pilipinas noon.

Iba’t ibang klaseng paghihirap ang dinanas ni Kurt at ng kanyang pamilya upang makaraos sa kahirapan. Gayunpaman, hindi siya nawawalan ng pag-asa para sa kanilang kinabukasan.

“A lot of people go to the bridge stand on the edge and jump, I choose not to that’s my belief in God, he’ll take me someday that is inevitable… I think there is lot of people had worse situation than mine okay? But I’m frugal, easy to entertain. This is home sweet home as we want to call it,” sabi ni Kurt.

Frans

Noong 2003, nagsimulang manirahan sa bansa si Frans Span Flegel, isang Aleman. Tulad ni Kurt, nagkaroon din ng asawang Filipina si Frans subalit nang malaon ay naghiwalay din sila.

Nagpunta si Frans sa Pilipinas na may P3 milyon. Pinuhunan niya ito para makapagpatayo ng isang KTV Bar sa San Mateo Rizal subalit hindi rin nagtagal at nagsara ang kanyang negosyo.

Ayon sa kanya, naging maluwag siya sa pera kaya’t marami siyang napautang.

Dahil sa kahirapan nga raw, naibenta na niya ang yero at kahoy ng kanyang bahay. Sa kabila ng lahat, masaya pa rind daw na nabubuhay si Kurt kasama ang kanyang alagang aso.

“I have my animal, I don’t feel alone… I just have no money, very beautiful when you have money, when you have no money it’s very hard,” sabi niya.

Full story HERE

Isang nakakalungkot na mapanood ang gantong storya sa TV lalo na ibang lahi pa ang naghihirap at walang makain sa isang bansang gaya ng Pilipinas mo pa sila makikitang ganyan... well Hindi lang naman kasi sa Pilipinas may ganyan... maiyak-iyak habang pinanonood yang storya na yan sa GMA NEWS TV at take note Dalawang beses yan pinalabas, at Dalawang beses ko rin sya pinanood... Sige take a mins a time to read the full story... It's Amazing lang na ang Lakas ko mag-reklamo sa mga Bagay na hindi naman dapat pinagaaksayahan ng oras... masingit lang. :)

Source: gmanetwork.com